^

Metro

Matapos pagtaksilan, Bagatsing tuloy ang laban

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Imbes na humina, lalo pang lumakas ang kandidatura ni Mayoralty candidate, 5thdistrict Congressman Amado Bagat­sing matapos na pagtaksilan ng mag-amang Cong. Lito Atienza ng BUHAY Partylist at 5th district Manila Councilor Ali Atienza, nang magpahayag ng suporta ang matandang Atienza sa kandidatura ni mayoralty candidate Alfredo Lim.

Ayon sa isang beteranong journalist at political analyst sa Maynila na si Rev. Jemba Basco, indikasyon umano ang mismong pagpapahayag nang simpatya sa social media para kay Bagat­sing ng mga supporters nang inilaglag na kandidato ni Lim na si Vice-Mayor candidate, Cong. Benjamin “Atong” Asilo. Bukod pa rito ang paglipat ng ilan sa mga konsehal na kandidato sa kampo ni Lim at re-electionist Manila Mayor Joseph Estrada sa kampo naman ni Bagatsing tulad nina re-electionist 2nd district coun. Rod Lacsamana, at Bobby Espiritu ng 5th district.

Bukod rito, marami na rin aniyang kandidatong konsehal na ayaw magpabanggit ng pa­ngalan mula sa kampo nina Lim at Erap ang palihim na nakipagkita kay Bagatsing upang suportahan ang kanyang kandidatura matapos ang ginawang umano’y ‘pagta-traydor’ ng mag-amang Atienza at Lim sa kani-kanilang mga kasamang kandidato sa katauhan nina Bagatsing at Asilo.

Binanggit rin ni Basco ang simpatya para kay Bagatsing at naging reaksyon ng mismong opisyal at miyembro ng grupong Kababaihan ng Maynila nang batikusin nito ang naging hakbang ng mismong founder ng kanilang grupo na si Cong. Atienza. Liban rito, binanggit rin ni Basco ang kaliwa’t kanang demolition job o paninira laban kay Bagatsing na pinaniniwalaang gawa ng mga katunggali nito sa pulitika.

 Samantala, pinasalamatan naman ni Bagatsing ang kanyang mga supporters gayundin ang sinasabing ‘silent majority’ na kung saan ay patuloy na nagpapahayag ng suporta sa kanya matapos ang umano’y ‘pagtataksil’ sa kanya ng mag-amang Atienza.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with