^

Metro

Mag-ina patay, tatay sugatan sa 3 nilang karpintero

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang mag-ina ang nasawi habang sugatan naman ang ama ng tahanan makaraang paghahatawin ng tubo ng tatlong cons­truction worker na guma­gawa ng kanilang bahay sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Sa inisyal na ulat ng   Que­zon City Police District, ang mga nasawi ay kinilalang sina Prince­sita Villanueva, 66, at anak nitong si Christian, 38, call center agent. Habang sugatan naman ang mister ng una na si Ruben Villanueva, 68, retired government employee na ngayon ay ginagamot   sa FEU hospital.

Naaresto naman ng pu­lisya ang dalawa sa tatlong mga suspect na sina Edilberto Escandor, 27; at Bernabe Escario, 30, pawang mga re­sidente ng Muntinlupa City. 

Ang isa pang suspect na nakilalang sa alyas na Biloy, foreman ng dalawa ay pinag­hahanap pa ng awtoridad.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 George Caculba ng CIDU, nangyari ang insidente sa bahay ng mga biktima na matatagpuan sa 1st St., Bitoon Circle, Brgy. Commonwealth, sa pagitan ng alas-12:30 hanggang ala-1 ng mada-ling-araw.

Lumalabas sa pagsisiyasat na ang mga suspect ay pawang mga stay-in na trabahador sa pinagagawang bahay ng mga Villanueva.

Bago ang insidente, lumabas umano ang mga suspect at nag-inuman.

Sinasabing sa pag-uwi ng tatlo ay nagising umano si Mang Ruben para umihi kung saan nasalubong nito ang mga suspek.

Pagpunta ni Mang Ruben sa kanilang banyo ay sinundan umano ito  ni Biloy na may hawak ng tubo at pinalo hanggang sa bumuwal sa sahig.

Pagkabuwal ni Mang Ruben ay ikinulong ito ni Biloy sa loob, kung saan dahil sa ingay ay nagising naman si Christian at nagpasyang tignan ang pinagmulan ng ingay pero sinalubong siya ng mga suspect at pinagpapalo rin ng tubo.

Matapos saktan si Christian, hindi pa nakuntento ang tatlo at pinasok pa uma­no ng mga ito sa kuwarto si Aling Princesita saka pinagpapalo rin hanggang sa mapatay.

Matapos ang insidente ay agad na nagsitakas ang  mga suspect patungo sa hindi mabatid na direksyon.

Ang insidente ay nalaman ng mga residente at ipinagbigay alam sa mga awtoridad kung saan agad nadakip si Escandor, habang si Escario naman ay nabatid na kusang sumuko sa Muntinlupa Police.

Ayon pa kay Caculba, base sa nakuha nilang ilang impormasyon, galit umano ang sinasabing motibo sa krimen, gayunman patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with