^

Metro

NBP inmates suportado ang modernisasyon ng Bucor

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Higit sa 500 inmates ng New Bilibid Prisons (NBP) ang nagpahayag rin ng suporta sa nakabinbin na batas para sa moder­nisasyon ng Bureau of Cor­rections na dahilan ng anim na araw nang “hunger strike” ng dalawang prison guard.

 Nasa 578 na mga bilanggo sa minimum security compound ang nagsagawa kahapon ng parada sa kanilang compound upang suportahan ang ipinaglalaban nina Prison Guard Chito Pastino at Alvin Faeldo na nagtayo ng tent sa loob ng NBP at nasa anim na araw nang nagpoprotesta makaraang mag-file ng “absence” sa trabaho.

 Ipinaglalaban ng dalawang guwardiya ang buong implementasyon ng administrasyong Aquino sa Republic Act 10575 o Bureau of Corrections Modernization Act na naisabatas noon pang 2013 ngunit hindi pa naipatutupad. 

 Kasama sa itinatadhana ng batas ang pagpapataas sa suweldo ng mga jailguards ng BuCor.  Reklamo ni Pastino, nasa higit dalawang dekada na siyang jailguard ngunit pumapatak pa rin sa P12,600 ang kanyang suweldo kada buwan na kulang na pambuhay umano sa kanyang pamilya.

 Bukod sa pagtaas sa suweldo, nakasaad rin sa batas ang dagdag na mga benepisyo, at pagdaragdag ng mga tauhan para matupad ang ratio na 1:7 guard per prisoner sa mga bilang­guan na kontrolado ng BuCor.

 Nasa 2,600 lang umano ang prison guards sa NBP na nagbabantay sa higit 42,000 inmates na karamihan pa ay pawang mga milyonaryo.

 Pinasalamatan naman ni Pastino ang mga preso sa pagsuporta sa kanilang adhikain at nangako na itutuloy ang hunger strike kahit  na maging kapalit ay kanyang buhay. Hiniling naman ng mga nagprotestang mga bilanggo na magbigay rin ng pardon ang Pangulo sa mga matatanda nang mga inmates.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with