Steelman todas sa kuryente
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 11, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Patay isang 21-anyos na construction worker habang ang isa pa nitong kasamahan ay nilalapatan pa ng lunas makaraang kapwa makuryente habang nagkakabit ng bakal sa iti­natayong gusali, sa Ermita, Maynila, kahapon ng umaga.

Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Noel Sale, stay-in steelman  sa construction site na matatagpuan  sa Pilar Hidalgo Lim St., Ermita.

Ginagamot ang isa pang biktimang si Adrian Pantua, 24, residente ng P. Paredes St., Sampaloc, Maynila.

Sa ulat ni PO3 Jorlan Taluban ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-10:30 ng uma­ga nang maganap ang insidente sa nasabing cons­truction site.

Hawak umano ng dalawang biktima ang isang steel bar na ikakabit sa itaas na bahagi ng itinatayong gusali nang sumabit ito sa live wire.

Dahil sa sobrang lakas umano ng boltahe ng kawad ng kuryente kaya kahit nakasuot ng protective gear o gloves ay pumutok ito at di kinaya hanggang sa pasukin na ang katawan ng dalawa.

Kapwa sila isinugod sa OSMA subalit idineklarang dead-on-arrival si Sale.

ACIRC ADRIAN PANTUA ANG DAHIL ERMITA JORLAN TALUBAN MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION MAYNILA NOEL SALE PAREDES ST. PILAR HIDALGO LIM ST.
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with