^

Metro

MMDA constable, dedo sa tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang constable ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang nasawi nakaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem suspect sa harap ng kanyang kapatid sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ni PO2 Alvin Quisumbing, may-hawak ng kaso, ang biktima ay kinilalang si Sidney Role, 38, at residente ng Sitio Lukban, Cogeo Antipolo City.

Agad namang tumakas ang mga salarin sakay ng isang motorsiklo na hindi naplakahan.

Nangyari ang insidente sa kahabaan ng Commonwealth Avenue malapit sa Tandang Sora Avenue, Brgy. Old Balara sa lungsod, ganap na alas-2 ng madaling-araw.

Nakikipag-usap ang biktima sa kanyang kapatid na si Richie Role sa lugar nang biglang dumating ang isang motorsiklo angkas ang mga suspect kung saan walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.

Dahil sa mga tinamong tama, agad na bumuwal ang biktima habang tinangka namang tulungan ito ng kanyang ka-patid subalit maging ito ay tinutukan din ng baril ng backrider.

Matapos ang krimen, mabilis na tumakas ang mga suspect.

Nakarekober din ang awtoridad sa crime scene ng da-lawang piraso ng basyo ng bala ng kalibre .9 mm na baril.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng naturang krimen.

ALVIN QUISUMBING

ANG

BRGY

COGEO ANTIPOLO CITY

COMMONWEALTH AVENUE

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

OLD BALARA

RICHIE ROLE

SIDNEY ROLE

SITIO LUKBAN

TANDANG SORA AVENUE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with