^

Metro

Taguig PNP pinuri ni Mayor Lani

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinapurihan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang Taguig City Police Station dahil sa mahusay na anti-crime campaign nito sa buong taon ng 2015.

“Malugod kong binabati ang Taguig City Police Station, sa pamumuno ni Senior Supt. Arthur Felix Asis, sa matagumpay nilang kampanya laban sa kriminalidad. Hindi sila napapagod sa paglilingkod at pag­bibigay proteksyon sa ating lahat.” ani Mayor Lani.

Ang papuri ay kasunod na rin nang pagkakalansag ng pinagsanib na puwersa ng Taguig Police at Bulacan Provincial Police Office sa isang “chop-chop” syndicate na sangkot umano sa pagbebenta ng iba’t-ibang parte ng mga nakaw na trak at iba pang sasakyan sa Barangay Lower Bicutan kamakalawa.

Ang pagkakadiskubre na ito sa chop-chop truck parts warehouse sa nasabing barangay ay matagumpay na naisakatuparan ng Taguig City PNP at Bulacan Provincial PNP sa pamamagitan na rin ng GPS (global positioning system) device na naka­kabit sa isang trak na tinangay sa Sta. Maria, Bulacan.

Sa naturang warehouse, tumambad sa mga operatiba ang sari-saring parte ng trak kabilang ang mga chassis, gulong, mga plaka ng sasakyan, at maging mga  dokumento ng ilang kumpanya na posibleng nagmamay-ari sa mga ninakaw na sasakyan. Isa sa mga trak doon ay nagawang matukoy o makilala ng may-ari subalit wala na ang mismong makina nito.

Ayon kay Mayor Lani, ang pagkakaroon ng solid at matibay na relasyon sa pagitan ng city government at city police station ay nagresulta sa pagtanggap ng iba’t-ibang parangal ng Taguig City sa kampanya nito hinggil sa pagsugpo sa kriminalidad.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARTHUR FELIX ASIS

BARANGAY LOWER BICUTAN

BULACAN PROVINCIAL

BULACAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

CITY

MAYOR LANI

MGA

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY POLICE STATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with