Muntinlupa police doble tutok sa paputok

Angie dela Cruz, (Pilipino Star Ngayon) - December 12, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng random checkpoints ang Muntinlupa City Police sa mga establisimento para sa mahigpit na pagpapatupad ng ordinansa hinggil sa pagbabawal ng paputok sa lungsod.

Sinabi ni Senior. Supt. Nicolas Salvador, hepe ng Mun­tinlupa City Police, na wala silang sasantuhin, dahil aarestuhin nila ang sinumang magbebenta ng paputok sa mga bangketa at maging sa mga shopping mall.

Ang isinagawang random checkpoints ng pulisya ay bunsod sa nalalapit na pagsalubong ng Bagong Taon kung saan mahigpit na ipinagbabawal sa buong lungsod ng Muntinlupa ang paputok base sa ordinansa ng City Council noong 2011.

Sa kabila na ipinagbabawal ang paggamit ng paputok sa lungsod ay marami pa rin ang nasusumpungang lumalabag dito.

ACIRC ANG BAGONG TAON CITY COUNCIL CITY POLICE MUNTINLUPA MUNTINLUPA CITY POLICE NAGSAGAWA NICOLAS SALVADOR PAPUTOK SINABI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with