Lolo nagbigti
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 7, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Winakasan ng isang lolo ang sariling buhay nang magbigti ito sa loob ng pinapasukang kompanya sa Navotas City, kamakalawa ng madaling araw. Nakilala ang nasawi na si Martin Jimenez, Sr., 69-anyos, at caretaker ng Bellen and Sons Commodities, Inc. na nasa Lapu-Lapu Street, Brgy. North Bay Boulevard South, ng naturang lungsod. Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang madiskubre ang nakabigting bangkay ng biktima sa loob ng kuwarto niya sa kompanya ng security guard na si Gary Gabat. Tumanggi naman ang mga kaanak ni Jimenez na ipasailalim sa awtopsiya ang bangkay at magsagawa ng imbestigasyon dahil sa kumbinsido sila na kusang winakasan nito ang kanyang buhay. Tikom naman ang bibig ng pamilya sa anumang problema na dinaranas ng nasawi na dahilan ng pagpapatiwakal nito.

ANG BELLEN AND SONS COMMODITIES BRGY GARY GABAT JIMENEZ LAPU-LAPU STREET MARTIN JIMENEZ NAKILALA NAVOTAS CITY NORTH BAY BOULEVARD SOUTH TIKOM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with