Kalansay nahukay

Angie dela Cruz, (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Natagpuan ang isang kalansay ng tao sa isang bakanteng lote na  taniman ng gulay na pag-aari ng isang duktor sa Muntinlupa City kahapon .

Sa report na natanggap ni Police Sr. Supt. Nicolas Salvador, Officer-In-Charge (OIC) ng Muntinlupa City Police, alas-11:00 ng umaga nang matagpuan ng mga naglilinis na sina Luis Paguio at Michael Pareno ang isang kalansay ng tao sa isang bakanteng lote sa Block 2K, Emerald Hills, Victoria Homes, Brgy. Tunasan ng naturang lungsod. Ang naturang lote ay taniman ng mga gulay, na pag-aari ng isang Dr. Patdu.

Kaagad na ipinagbigay alam nina Paguio at Pa­reno ang insidente sa tanggapan ng Muntinlupa City Police.

Inaalam pa ng pulisya ang kasarian nito at iniimbestigahan na rin nila kung bakit may kalansay ng tao sa naturang lugar.

Ang naturang kalansay ay nakalagak ngayon sa Benson Funeral Homes para sa safekeeping.

ANG BENSON FUNERAL HOMES DR. PATDU EMERALD HILLS LUIS PAGUIO MICHAEL PARENO MUNTINLUPA CITY MUNTINLUPA CITY POLICE NICOLAS SALVADOR POLICE SR. SUPT VICTORIA HOMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with