250 sinanay sa disaster town watching at hazard mapping
MANILA, Philippines – Nasa 250 trainee ang sumailalim sa pagsasanay ng pamahalaang lungsod ng Makati sa pakikipagtulungan ng Department of Education, Ministry of Foreign Affairs ng Japan at SEEDS Asia (Japan) para sa Disaster Town Watching at Hazard Mapping.
Ang 250 trainers ay nagmula sa 20 barangays ng dalawang distrito ng lungsod at ang pagsasanay ay bumuo sa initial phase ng Community Based Disaster Risk Reduction and Management-Mobile Knowledge Resource Center (CBDRRM-MKRC), na proyekto ng lungsod.
Ayon kay Acting Makati City Mayor Romulo “Kid” Peña, Jr., na ang nasabing training sa barangay ay isang strategic approach upang madagdagan ang kapasidad ng lungsod sa pagbibigay ng impormasyon sa mga residente at stakeholders sa maiksing panahon lamang.
Pinuri din ni Peña ang pamahalaan ng Japan sa pamamagitan ng Ministry of Foreign Affairs nito sa pagpopondo ng Makati MKRC Project. Nagpasalamat din siya sa SEEDS Asia (Japan) at DepEd Makati sa pagiging aktibong partner ng lungsod sa pagpapatupad ng proyekto.
Ayon sa Makati DRRM Office, lahat ng 13 na barangay sa ikalawang distrito at pitong barangay sa district 1 ay sumailalim na sa dalawang araw na training-workshop para sa town wat-ching at hazard mapping at ang 13 pang natitirang barangay sa unang distrito ay nakaiskedyul para sa orientation at training.
Habang nagwo-workshop, ang mga positibo at negatibong features ay naka-plot sa malalaking pasilidad at hazard maps na inilarawan sa pamamagitan ng marka at anotasyon, at isinalarawan na may kaukulang larawan na nakadikit. Kasama sa aktuwal na town watching ang pagpili ng isa o higit pang mga ruta ng bawat barangay, kung saan dapat makilala ng mga participants ang mga panganib at positibong tampok.
- Latest