^

Metro

Binata dedo sa 2 armado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 29-anyos na binata nang abangan at barilin ng dalawang lalaking armado sa madilim na bahagi ng isang eskinita, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Bala sa ulo at katawan ang tinamo ng biktimang kinilalang si Jober Angon, residente ng Balut, Tondo, Maynila. Tumakas ang tandem na suspect na lulan ng  hindi rin  naplakahang motorsiklo. Naganap ang insidente, dakong alas -7:30 ng gabi ng maganap sa Beltran Alley, Beltran St.,Balut habang  naglalakad umano ang biktima nang biglang lumutang ang dalawang suspek at walang sabi-sabing pinaputukan ito at saka mabilis na sumakay sa  ipinaradang motorsiklo malapit sa pinangyarihan. Nangangalap pa ng testigo ang awtoridad para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa pamamaslang.

ANG

BALA

BALUT

BELTRAN ALLEY

BELTRAN ST.

JOBER ANGON

MAYNILA

NAGANAP

NANGANGALAP

NBSP

TUMAKAS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with