^

Metro

Biktima ng salvage natagpuan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuang nakagapos din ang mga kamay sa isang abandonadong bahay sa Brgy. Commonwealth, lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, ang biktima na walang pagkakakilanlan ay isina­la­rawan sa pagitan ng edad na 20-25, may taas na 5’2, katamtaman ang pa­nga­­nga­tawan, moreno, na­­ka­­suot ng itim at puting sando at kulay pulang jersey short at may tattoo na AMOKE sa gawing ilalim ng kanyang kanang braso.

Ayon kay PO2 Julius Raz, ang biktima ay natagpuan sa may loob ng isang bakanteng bahay sa Kawayanan St., Brgy. Commonwealth, ganap na alas-10:30 ng gabi.

Sa ginawang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) narekober nila sa lugar ang mga ebidensyang tulad ng isang duguang steel pipe na may habang isang metro­, isang basag na bote ng softdrink na may bakas ng dugo, isang kulay asul na nylon cord at ilang piraso ng plastic sachet.

Lumitaw din sa isinagawang cursory examination ng grupo sa bangkay ng biktima na ito ay nagtamo ng sugat sa noo at saksak sa kanang bahagi ng kanyang leeg, gayundin ang mga pasa sa kanang mata. Samantala, ang bangkay ng biktima ay nasa panga­­ngalaga ngayon ng Pacheco Funeral Service para sa kaukulang imbestigasyon.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BRGY

ISANG

JULIUS RAZ

KAWAYANAN ST.

PACHECO FUNERAL SERVICE

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with