^

Metro

E-game shop hinoldap

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinoldap ng may halagang P200,000 cash ng dalawang holdaper ang isang E-Game shop sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Sinasabing dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang pasukin ng dalawang holdaper na armado ng baril ang E-Game na matatagpuan sa Verde Oro Bldg. Brgy. Old Balara, Quezon City.

Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na sumulpot na lamang ang dalawang lalaki na nakasuot ng helmet at green jacket sa loob ng E- Game shop at agad nagbunot ng baril at nagdeklara ng  holdap.

Unang tinutukan ng baril ng mga suspek at pinadapa ang kostumer na si Richard Luis, 29 habang sapilitan namang ipinakuha kay Roxel Huerto ang pera sa kaha. Nang makuha ng dalawang holdaper ang kanilang pakay, mabilis na tumakas ang mga ito sakay sa nakaparadang motorsiklo sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

BRGY

COMMONWEALTH AVENUE

E-GAME

HINOLDAP

LUIS

OLD BALARA

QUEZON CITY

ROXEL HUERTO

VERDE ORO BLDG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user