Ginang dedo sa pamamaril
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Patay ang ginang makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa isang kalye sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw. Kinilala ni PO2 Rhic Roldan Pittong, may-hawak ng kaso ang biktima na si Maria Hope de Mesa, 35, ng Don Julio Guerrero St., Brgy. Bagbag Novaliches sa lungsod. Nangyari ang insidente sa may Quirino Highway, Brgy. Bagbag, ganap na alas-3:30 ng madaling-araw. Sabi ni Melchor Valenzuela, nasa loob siya ng kanilang bahay nang makarinig siya ng dalawang putok ng baril mula sa labas. Dala ng kuryusidad, nagpasya si Valenzuela na tignan ito, hanggang sa matunghayan niya ang isang babae na duguang nakahandusay sa na­sabing kalye. Agad na humingi ng tulong si Valenzuela sa barangay at isinugod ang biktima sa Novaliches General Hospital, pero idineklara din itong dead-on-arrival. Sa pagsisiyasat, ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa ulo at dibdib na siyang ikinamatay nito.Patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabing insidente.

BAGBAG NOVALICHES BRGY DON JULIO GUERRERO ST. MARIA HOPE MELCHOR VALENZUELA NOVALICHES GENERAL HOSPITAL QUIRINO HIGHWAY RHIC ROLDAN PITTONG VALENZUELA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with