Bebot tinodas sa hotel

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - May 4, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pinatay sa sakal ang isang  hindi pa nakikilalang babae  sa loob ng  Selenna hotel sa  Cubao, Quezon City, kahapon ng umaga. 

Ang biktima ay sina­sabing namatay dahil sa matinding pagkasakal. 

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), natagpuan ang bangkay ng biktima sa Room 331 ng Selenna Hotel na mata­tagpuan sa kahabaan ng Aurora Blvd., sa panulukan ng Stanford St., Brgy. Socorro sa lungsod dakong alas-6:30 ng umaga.

Nabatid sa ulat na bago natagpuang patay ang biktima ay nakarinig muna ng malakas na sigawan sa loob kuwarto ng biktima.

Agad tinungo ng mga staff at tauhan ng hotel ang kuwarto ng biktima kung saan bumulaga sa kanilang harapan ang wala nang buhay na biktima habang may tali pa ng tuwalya sa kanyang leeg.

Nakatakas naman ang kasamang lalaki ng biktima matapos magpumiglas ito habang pinipigilan ng mga staff sa hotel matapos dumaan sa 2nd floor.

Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkaka­kilanlan sa nasawi at mo­tibo ng naturang krimen.

 

AURORA BLVD AYON BIKTIMA BRGY QUEZON CITY QUEZON CITY POLICE DISTRICT CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT SELENNA HOTEL STANFORD ST.
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with