Trader kritikal sa tandem
MANILA, Philippines - Isang negosyante ang nasa kritikal na kondisyon matapos barilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspect lulan ng motorsiklo, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.
Nilalapatan ng lunas ngaÂyon sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Roberto Tan, ng Brgy. Bangkal, Makati City makaraang magtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo at likurang bahagi ng katawan.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Cris Gabutin, ng Homicide Section ng Pasay City, naganap ang insidente ala-1:00 ng madaling-araw sa loob ng Aling Marsha Seafood Restaurant na pag-aari ng biktima sa Seaside Paluto MacaÂpagal Boulevard ng naturang lungsod.
Nasa loob umano ng kanyang restaurant ang biktima nang pumasok ang dalawang armadong lalaki at isa rito ang bumaril sa biktima bago mabilis na tumakas, sakay ng isang motorsiklo patungo ng Coastal Road. Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa naturang pamamaril.
- Latest