^

Metro

Tricycle driver, dedo sa tandem

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang tricycle driver matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang ang biktima ay namamasada sa Navotas City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng tama ng bala ng kalibre .45 baril sa katawan ang biktimang si Ferdinand Aguinaldo, 26, ng Women’s Club St., Bgy. Hulong Duhat ng nasabing lungsod.

Samantala, inaalam pa ng pulisya kung sino ang taong responsable sa pagpatay sa naturang biktima.

Batay sa imbestigasyon ni P03 Exequiel Sangco, ng Na­votas City Police,  naganap ang insidente  alas-8:50 ng gabi sa Everlasting St., Barangay Tanza ng naturang siyudad.

Habang namamasada ang biktima sa naturang lugar ay biglang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing binaril ito.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa naturang pagamutan subalit, hindi na rin ito umabot ng buhay.

 

BARANGAY TANZA

CITY POLICE

CLUB ST.

EVERLASTING ST.

EXEQUIEL SANGCO

FERDINAND AGUINALDO

HULONG DUHAT

NAVOTAS CITY

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with