^

Binatilyo nagbigti

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 7, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Patay na nang matagpuan ang isang 15-anyos na binatilyo na nagbigti sa bahay ng kaibigan ng ina nito, kama­kalawa ng gabi sa Taguig City.

Kinilala ang nasawi na si  James Tredes, estudyante.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na sinundo ni Gemma ang anak sa Cavite para sa kanilang bayan sa Pateros na lamang pag-aralin makaraang makarating sa kanya ang balita na lagi itong matamlay.

Pansamantalang nakipanuluyan muna si Tredes sa bahay ng kaibigan na si Jilday Nuylan sa J. Ramos St., Brgy. Ibayo Tipas, Taguig City.  Iniwan ni Gemma ang anak sa naturang bahay upang sunduin naman ang isa pang anak na nag-aaral sa isang Catholic School sa Pasig City para sabay-sabay silang umuwi  sa bahay nila sa Pateros.

Dakong alas-7 na ng gabi nang dumating si Gemma kung saan nadiskubre na nakabigti ang anak sa pinag-iwanang kuwarto nito gamit ang isang nylon cord.

Sinabi pa ni Gemma sa pulisya na masyadong ma-sikreto ang kanyang anak at hindi nagsasabi ng kanyang nararamdaman kaya’t blangko pa sila sa tunay na motibo ng ginawang pagpapakamatay bagama’t hini­hinalang problema sa pamilya ang maaaring ugat ng de­presyon ng binatilyo.

BRGY CATHOLIC SCHOOL IBAYO TIPAS JAMES TREDES JILDAY NUYLAN PASIG CITY PATEROS RAMOS ST. TAGUIG CITY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with