^

Metro

Torture cop ng MPD arestado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang ilang taong pagtatago , nahuli na ng PNP-Intelligence Group ang isang Police Community Precint Commander, ang tinaguriang torture cop ng Manila Police District (MPD)  na nakunan sa video na kumalat sa internet habang hinihila ang ari ng isang nahuling snatcher sa lungsod ng Maynila noong Agosto 2010. Kinilala ni PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., ang nasakoteng torture cop na si Sr. Inspector Joselito Binayug, dating hepe ng Asuncion Police Community Precint sa Tondo, Maynila.

 Si Binayug na nasibak sa puwesto ay nakunan ng video sa pag-torture sa snatcher na tinukoy lamang sa pangalang Darius habang namimilipit sa sakit habang hinihila nito ng alambre na itinali sa ari ng suspek. Ayon kay Cerbo bandang alas-11 ng umaga nang masa­kote ng operatiba ng PNP-Intelligence Group (PNP-IG) si Binayug habang nagpapa-renew ng lisensya ng behikulo nito sa harapan ng tanggapan ng Land Transportation Office sa Tayuman sa lungsod ng Maynila.

 Samantala, matapos na magpalabas ng warrant of arrest ang korte noong Nobyembre 2011 ay nagsimulang magtago sa batas si Binayug. Sinabi ni Cerbo na nakatang­gap ng impormasyon ang mga operatiba ng PNP-IG na nagpapa-renew ng lisensya ng kanyang behikulo ang wanted na parak sa lugar kaya agad pumoste ang mga awtoridad. Hindi na nakapalag si Binayug matapos na dakpin ito ng mga ope­ratiba at dinala sa Camp Crame.

vuukle comment

ASUNCION POLICE COMMUNITY PRECINT

BINAYUG

CAMP CRAME

CERBO

GENEROSO CERBO JR.

INTELLIGENCE GROUP

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with