^

Metro

Caloocan fire: 3 paslit patay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na makukuhang mag-celebrate ng Kapas­kuhan ang tatlong paslit makaraang masawi sa sunog na naganap sa kanilang tinutuluyang bahay sa Caloocan City noong Sabado.

Kinilala ang mga na­sawing biktima na sina Ace Khervy Alejandre, 8; Wendy Bagapuno, 6;  at  kapatid nitong si Granson  Bagapuno, 3, pawang residente ng F. Acab,  Daang Bakal, Brgy.  17 ng nasabing lungsod.

Si Alberto Alejandre, 32,  may-ari ng bahay ng naturang lugar ay nagtamo naman­ ng mga sugat at paso sa iba’t ibang bahagi ng ka­tawan. Dinala ito sa hindi nabanggit na ospital.

Batay sa imbestigasyon ni SFO1 Benedicto Tudla,  ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Caloocan City,  naganap ang insidente dakong alas-9:12 ng gabi sa dalawang pa­lapag na bahay ni Alejandre sa  nabanggit na lugar habang natutulog ang mga biktima nang biglang magliyab ang apoy. Hindi na nagawa pang maka­labas ng mga bata sa bahay.

Natagpuan pang magka­yakap ang magkapatid na Bagapuno.

Ayon pa sa report, tinatayang aabot sa P.2 milyong halaga ng mga ari-arian ang  naabo at wala namang ibang bahay na nadamay sa sunog.

Nabatid sa mga awto­ridad, base sa kanilang  inis­ya­l na imbestigasyon, dahil  sa napabayaang kandila ang dahilan ng pagsiklab ng apoy at hanggang sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ang nasabing insidente.

Wala rin ang mga ma­gulang ng mga bata nang maganap ang sunog.

 

ACE KHERVY ALEJANDRE

BAGAPUNO

BENEDICTO TUDLA

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CALOOCAN CITY

DAANG BAKAL

SHY

SI ALBERTO ALEJANDRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with