^

Metro

Dahil sa tsinelas, binata tinodas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -Todas sa saksak  ng basag na bote ang  22-anyos na binata dahil lamang sa isang pares ng tsinelas na pinag-interesang pulutin sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Larry Zanira, ng Daang Bakal corner Batangas Sts., Tondo.

Nagtatago na ang suspect na nakilalang si Ian Montecillo.

Sa  ulat  ng Manila Police District-Station 7, dakong alas-11:30 ng gabi nang maganap ang pananaksak sa Antipolo St. malapit sa panulukan ng Jose Abad Santos Ave., Tondo­, Maynila.

Sinabi sa ulat na habang naglalakad umano ang biktima ay nakakita ito ng isang pares ng tsinelas at nang tinangkang damputin ay sinita ng suspect na humantong sa mainitang pagtatalo hanggang sa pumulot ng basag na bote ng beer ang suspect at undayan ng saksak sa tiyan ang biktima.

Matapos ang pananaksak ay tumakas ang suspect  sa direksiyon ng Jose Abad Santos Avenue.

 

ANTIPOLO ST.

BATANGAS STS

DAANG BAKAL

IAN MONTECILLO

JOSE ABAD SANTOS AVE

JOSE ABAD SANTOS AVENUE

KINILALA

LARRY ZANIRA

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with