^

Kutob

Nobyembre 30, 2023

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

SAGITTARIUS: (Nob. 23 - Dis. 21) Isang mahalagang aral ang maaaring matutuhan mula sa karanasan ng isang malapit sa’yo. Maglalambing ang tao na matagal nang hindi nakakausap, huwag pagkaitan kung kaya naman. Kung napapagod, pahinga ang dapat gawin. Lucky numbers at color for the day ang 1, 10, 16, 34 at honey yellow.

CAPRICORN: (Dis. 22 - Ene. 19) Sikapin na makaiwas sa usapan ng hindi pagkakaunawaan. Huwag magpadala sa pagkaagresibo ng kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 6, 19, 37 at garnet red.

AQUARIUS: (Ene. 20 - Peb. 18) May intrigang maririnig at sisirain ang iyong interes. Magpasalamat dahil mahaharap mo ang paglilinis ng bahay. Lucky numbers at color for the day ang 3, 16, 27, 32 at citrine yellow.

PISCES: (Peb. 19 - Mar. 20) Malamang may dadalaw na kaibigan. Maaaring maisama ka sa isang kasiyahan na dadaluhan sa dakong gabi. Lucky numbers at color for the day ang 4, 15, 26, 43 at moss green.

ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) Isulong mo ang planong pangkabuhayan na ginawa noong pang nakaraang taon. Matutugunan ang hamon na darating. Lucky numbers at color for the day ang 1, 17, 31, 41 at pink.

TAURUS: (Abr. 20 - May. 20) Bagong istratehiya ang dapat isipin dahil sa takbo ng ekonomiya. Sasang-ayon sa mga suhestiyon ang boss mo. Lucky numbers at color for the day ang 2, 15, 27, 32 at green.

GEMINI: (May 21- Hun. 21) Ilang kaibigan ang makakatulong na maituwid ang maling pananaw sa pag-ibig. Mapagtutuunan na ang plano. Lucky numbers at color for the day ang 7, 16, 32, 37 at orange.

CANCER: (Hun. 2 - Hul. 22) Magkakaroon ng paliwanag sa isang maselang bagay. Huwag kaagad mag-react, pag-aralan muna ng mabuti. Lucky numbers at color for the day ang 5, 24, 31, 43 at orange.

LEO: (Hul. 23 - Ago. 22) Malulutas ang matinding kagipitan kung mananatiling mahinahon. Layuan ang mga taong mapusok. Lucky numbers at color for the day ang 8, 19, 28, 31 at violet.

VIRGO: (Ago. 23 - Set. 23) Ikundisyon ang isip at katawan dahil makakasagupa ng mabigat na gawain. Alisin ang galit na namamahay sa dibdib. Lucky numbers at color for the day ang 1, 29, 35, 40 at brown.

LIBRA: (Set. 24 - Okt. 23) Mahalaga ngayon na magkaroon ng social acquaintance dahil magiging daan ito na makilala ang helpful person. Lucky numbers at color for the day ang 13, 21, 33, 34 at blue.

SCORPIO: (Okt. 24 - Nob. 22) Magiging mailap ang kapayapaan ng dahil sa kamaliang nagawa. Patawarin ang taong kinaiinisan o nagkasala. Lucky numbers at color for the dsay ang 2, 7, 19, 41 at red.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with