^

Kutob

Agosto 7, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang walang kapantay na kabutihan ng Maykapal ang nag-uudyok para kilalanin ng Kanyang mga nilalang ang kalikuan at manumbalik sa Kanya. Tunay Siyang dakila sa lahat.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Ang taong laman ng isip mo kahapon o noong isang araw ay darating sa bahay mo ngayon. Ang dalang balita ay ikakagalak o ikakalungkot. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 22, 32 at cherry.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Kung pangungutang ng pera ang sadya mo sa isang kaibigan o kamag-anak, huwag mo nang ituloy dahil mapapahiya ka lamang. Sariling sikap ka ngayon at wala kang tulong na maaasahan mula sa iba. Lucky numbers at color for the day ay 5, 11, 27, 39 at burgundy.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Kung kapamilya ang turing mo sa katrabaho, gayundin ang turing nila sa iyo. Kaya ngayon na kailangan mo ang tulong nila, hindi na kailangan magdalawang salita. Lucky numbers at color for the day ay 16, 28, 41, 42 at red.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nob­yembre 22) – Isakatuparan ka­agad ang mga bagay na iniisip dahil magbubunga ito ng tagumpay. Bago simulan ang gawain, isipin ang kaligtasan dahil kung magpapabaya, tiyak may sakuna. Lucky numbers at color for the day ay 12, 17, 19, 31 at purple.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Haha­nap-hanapin mo ang atensiyon at pagmamahal na ibinigay ng dati mong nakarelasyon. Lulunukin mo ang iyong pride upang makuhang muli ang kanyang pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 14, 18, 27, 42 at ivory white.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Hindi ka dapat manghimasok sa desisyon ng isa mong kapatid. Magpakita ka ng suporta at kung nagkamali man siya, tulungan mong maituwid niya ‘yun. Magtipid ka. Lucky numbers at color for the day ay 8, 26, 35, 40 at shocking pink.

AQUARIUS (Enero 20 - Peb­rero 18) – Maaliwalas at ma­ganda ang panahon. Walang magiging problema sa trabaho o taha­nan. Maluwag ang panahon at oras sa anumang gustong gawin. Lucky numbers at color for the day ay 14, 18, 24, 25 at turquoise.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Posibleng mapasubo ka sa iyong mga pangako dahil sa pabigla-bigla mong desis­yon. Sikapin mong maging responsable sa lahat ng iyong aksiyon at desisyon. Lucky numbers at color for the day ay 9, 15, 20, 38 at corn yellow.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Dahil ipinamalas mo ang iyong husay at galing, isang kasamahan ang gagawa ng paraan upang mabigyan ka ng mas magandang posisyon sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 6, 21, 27, 34 at maroon.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Hindi na kailangang lumayo ang tingin kung bibigyan ng pansin ang sarili sa hinahanap na katangian na maging kasama pang-habang buhay. Magkasingtulad ang inyong iniisip ng isang nilalang na madalas mong makasama. Lucky numbers at color for the day ay 2, 10, 28, 38 at royal blue.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Dahil mabuti kang tao at maraming magagandang bagay ang ipinamalas at ginawa mo, marami ang maghahangad ng iyong kaligayahan habang buhay. Ang kasalukuyan mong relasyon ay mauuwi sa isang kasalan sa madaling panahon. Lucky numbers at color for the day ay 7, 19, 27, 38 at violet.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Magkakaroon ng bala­kid sa iyong mga plano ngunit isang napakahalagang aral ang iyong mapupulot mula rito. Magiging financially stable ka. Lucky numbers at color for the day ay 11, 22, 33, 40 at white.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with