^

Kutob

Enero 21, 2017

TAROT GABAY - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Affirmation: Sa habag at awa ng Maylikha, may kapatawaran sa bawat pagkakasalang nagawa. Maging tapat at pagsisihang ganap ang lahat, diringgin ka Niya.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Walang kasing saya kung nasa piling ng mga mahal sa buhay. Ang pagkakaisa ng pamilya ay siyang sadyang pakay mo ngayon. Malaki ang pagkakataon na magampanan ang responsibilidad sa pamilya maging sa ama, ina o anak. Lucky numbers at color for the day ay 23, 32, 40, 43 at maroon.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Maaaring may suliranin ka subalit sa tawag ng panahon ay maaaring makalimutan nang pansamantala at makisaya. Huwag tutukan ang problema ngayon, dahil ang kalutasan ay darating sa tamang panahon. Iwasan ang maglasing. Lucky numbers at color for the day ay 6, 13, 31, 40 at red.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Mag-ingat at maging alerto. Pag-isipan muna ang mga bagay na dapat gawin bago simulan o magdesisyon. Taos pusong panalangin ang kailangan para mabigyang liwanag ang isip. Lucky numbers at color for the day ay 2, 14, 32, 44 at green.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Huwag ikahiya ang kahirapan kung sa malinis na paraan nanggaling ang ihahain sa hapag-kainan. Magplano, kumilos, magtiis, magtiyaga at tiyak nasa tamang landas ang kaunlaran. Iwasan ang masamang bisyo dahil ang kabayaran ay pagsisisi. Lucky numbers at color for the day ay 12, 19, 23, 40 at lavender.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) –  May mga kumplikasyon ang sasalubong sa iyo ngayon, ngunit kung buo ang loob at hindi magiging emosyonal, makikita ang tamang solusyon. Lahat ng bagay ay may katapat, nasa sarili ang tamang sagot sa problema. Wala kang maaasahang tulong mula sa iba ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 26, 38 at navy blue.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Pagsisisihan mo kung magpapadala ka sa udyok o hikayat ng iba. Gamitin ang sariling desisyon dahil nasa panig ang lakas ng ESP. Kung inaakalang nasa katuwiran, huwag matakot na ipaglaban. Kung may duda, huwag ituloy. Lucky numbers at color for the day ay 11, 18, 21, 41 at violet.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Kung may lihim, malamang may makakatuklas. Kung nagyayabang, malamang mabubuking. Kung namamangka sa dalawang ilog, may bagyong padating. Masarap mabuhay sa katotohanan kaya magpaka-totoo ka. Ngayon ang panahon nang pagbabago sa hindi katanggap-tanggap na ugali. Lucky numbers at color for the day ay 8, 11, 22, 24 at peach.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – May mga paanyayang matatanggap. Kung makakadalo sa party, may bagong makikilala. Kung may makikilala na ang unang titik ng pangalan ay C o R, magkakaroon ng relasyon sa pag-ibig o hanap-buhay. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 22, 41 at purple.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Kung pera ang kulang at ipagtatapat sa kaibigan o kamag-anak, maa­ring maresulba ang problema. Kung pag-ibig ang kulang, huwag maging mapusok dahil kapahamakan ang dulot. Disiplina sa sarili ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 14, 33, 43 at yellow.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Makisaya ang sadyang pakay subalit mag-ingat sa mga bibitawang salita dahil magiging madaldal ka ngayon. Madali kang kainisan ngayon ng makikinig dahil iiral ang pagkamayabang. Iwasan ang biro o kantiyaw. At iwasan din ang maglasing. Lucky numbers at color for the day ay 7, 15, 27, 30 at avocado green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Lalong magiging masaya ang iyong araw sa balita o regalong matatanggap. Malamang may dadalaw na kaibigan o kamag-anak. Masaya ang araw at walang problema maging sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 22, 29, 32, 42 at fuchsia.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Ngayon ang panahon ng pagbabago sa mga pagkakamaling nagawa. Madali kang mapatawad kung taus-puso ang pagsisisi. Hindi lamang ang sarili ang mabibigyan ng kaligayahan, kundi pati ang nasaktan kung hihingi ng kapatawaran. Panahon ng pagbabago sa masamang bisyo. Lucky numbers at color for the day ay 8, 18, 21, 45 at indigo.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with