^

Kutob

Oktubre 9, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay:  Maging blessing sa iyong kapwa, magpatotoo sa kadakilan ng Diyos sa buhay mo.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Huwag agad-agad gumawa ng desisyon kung hindi tiyak ang sarili. Ang paggawa ng desisyon ay hindi minamadali, lalo na kung tungkol ito sa maselang bagay. Lucky numbers at color for the day ay 10, 26, 33 40 at violet.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Maaaring ang dalawang interesado ay magtatanong na kung sino ang iyong pipiliin. Maaari na ang kasintahan ay magyaya nang pakasal. Tiyakin na ang desisyon ay galing sa puso. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 30, 42 at white.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Iwasan na maging sakit ng ulo ng kapwa. Huwag hayaang mainis ang nakapaligid dahil magiging makulit ka ngayon. Kung ano ang gusto huwag magpadalus-dalos dahil maaaring ito ang ikasira. Bawat kilos, tiyakin ang pabor ay nasa panig. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 25, 40 at gray.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Manatiling mapagkumbaba at huwag hayaang umiral ang kayabangan. Magiging mataas ang iyong pride na kapag walang self-control ay mapapasubo sa karamihan. May sasalungat. Lucky numers at color for the day ay 6, 18, 26, 37 at green.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Ang nararamdamang sakit ay mapapawi. Pagbigyan ang sarili na makapaglakbay sa ibang lugar para maiba ang ihip ng kapalaran. Ang magbakasakali, maliban sa sugal ay inaayunan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 24, 36 at orange.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Ang pagpaparaya ay pagpapakita ng pagkamaunawain at pagmamahal. Huwag mabahala dahil ang kapalit ng tiwala ay kaligayahan. Ang tiwala ay kakambal ng pagmamahal kaya dapat alagaan nang hindi ito masira. Lucky numbers at color for the day ay 3, 15, 19, 38 at red.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Nakakadismayang balita ang matatanggap. Maaaring may kinalaman sa trabaho, pinansiyal o buhay pag-ibig. Huwag hayaan na maapektuhan ng husto ang sarili. Nasa tabi lamang ang solusyon sa suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 24, 35 at maroon.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – May mga bagay na pinagdududahan sa minamahal. Para makasiguro sa nais malaman, kausapin ng masinsinan nang maliwanagan. Huwag kimkimin sa sarili kung may hinanakit. Maging tapat sa sarili at sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 24, 39 at peach.   

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Ang maging mapagbigay at maalalahanin ang tanging paraan para mapalapit sa lihim na minamahal. Kung may gustong sabihin, hindi masama na ipagtapat kung malinis ang pakay. Malalaman ang kasagutan kung magtatapat. Lucky numbers at color for the day ay 4, 16, 27, 31 at brown.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Hindi kailangan na maging magarbo o magastos para matiyak na magiging maganda ang impresyon ng tao. Ang maging natural ay sapat na para magkaroon ng mga kaibigan. Iwasan ang magmayabang dahil ang balik ay kahihiyan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 23, 39, 44 at pink.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Huwag ma­ging magastos kahit may pera dahil darating ang araw na tiyak may pagkakagastusan na hindi maiiwasan. Mabuti nang laging may naitatagong pera na kung kailangan may magagamit. Magtipid at simulan ang mag-save. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 39, 41 at sky blue.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Unti-unting makikilala sa larangang kinabibilangan. Sa pag-ibig, ipadama sa minamahal ang tunay na nararamdaman. Maging malambing. Sa negosyo, maganda ang kikitain. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 30, 41 at tangerine.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

AGOSTO

ANG

COLOR

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with