^

Dr. Love

Bagong pag-ibig

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Alam ko naman na pasaway ako. Simula kasi nang makilala ko si James hindi ko na malimutan ang kanyang pagiging concern sa akin. Ang hirap kaya mag-move on sa isang lalaki na minahal mo ng lubos at ikaw ang lumalabas na mali. Mahal ko ang bf ko pero hindi ko siya hahayaang maging abuso at mawalan ng gana sa pagmamahalan namin.

Ako na hindi nakikinig at walang pagpaparaya kahit niloloko na ako?  Mabuti na nga lang may sumalo agad sa pagmamahal kong napalitan ng galit.

Si James ang tumulong sa akin na maramdaman uli ang pagmamahal. Pero sinabihan ako ng parents ko na hindi na nga raw ako natuto. Baka magmahal na naman daw ako ng lubos at bigla na lang lokohin.

Hindi ko sila pinakinggan dahil hindi naman siya ang nauna kong bf. ‘Yun lang, hindi na raw ako napagod at mamahinga muna sana.

Nag-aalala kasi ang parents ko na baka maulit uli ang nangyari sa akin. Pinaalalahanan ko rin si James na huwag naman niya muling hayaan na masaktan ang damdamin ko. Aalayan niya raw ako ng bagong pag-ibig.

Nangako naman siya na hindi niya ako pababayaan at hindi niya sisirain ang aming relasyon.

Sunshine

 

Dear Sunshine,

Ganda naman ng pangalan mo. Puno ng pag-asa. Si James na nga ang nagbigay sa iyo ng bagong pag-asa at bagong liwayway sa iyong buhay. Nag-aalala lang ang parents mo dahil ayaw nilang masaktang muli ang kalooban mo. Kung nahihirapan ka, mahirap din para sa kanila na makita kang malungkot.

Tuloy mo lang ang bagong mga araw mo kasama si James. Malamang alam ni James ang bigat na iyong pinagdaraanan.

Sundin mo ang payo at mga paalala ng parents mo. Ganun din sabihan mo si James na patunayan niya sa kanila na hindi siya tulad ng una mong bf. Always be happy together at look forward sa mga araw na magkasama kayong masaya.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with