^

Dr. Love

May karibal sa crush

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love

Ako po si Reilyn. Dalawa kaming assuming na type ng sikat na player ng basketball sa aming school.  Medyo umiiwas nga ako dahil baka sobrang obvious na nagpapatalbugan kami ng klaymets ko para mapansin niya.

Very close din naman kasi siya. Ewan ko, baka sinasakyan lang niya ang paghanga namin sa kanya. Mabait naman siya. ‘Yun lang talaga, kapag nariyan siya ay nagugulo na ang mundo namin. Hindi tuloy kami magiging seryosong kapag magkakasama kaming tatlo. Pero napaka-sweet niya sa amin.  Actually ang hindi alam ng klasmeyt ko, hanggang sa dorm ay ka-chat ko pa rin ang guy. Doon ako nakakabawi sa kanya.  Ewan ko, baka naman pareho lang kaming binibigyan niya ng time.  Kung nakiki-pagkaibigan lang naman siya ay ok lang sa akin. Pero ok lang din kung liligawan niya ako.

Nakakahinayang lang kung kay klasmeyt mapupunta si crush. Nahihirapan kasi akong maging sobrang showy baka akalin niya sa akin, easy to get ako.

Reilyn

Dear Reilyn,

Tama naman na hindi ka makipag-compete sa klasmeyt mo. Baka naman gusto lang talagang maki-pagkaibigan ng guy sa inyo. Tinanong mo na ba, baka naman may gf na ‘yun.  Ang mainam, ituloy mo lang ang magandang kikitungo mo sa kanilang dalawa. Wala ka rin namang magagawa kung sino ang magustuhan niya. Kung ikaw eh, ‘di ok. Kung siya naman ay maging masaya ka para sa klasmeyt mo.Walang magandang idudulot kung mag-aagawan kayo ng eksena. Nakadepende sa kanya kung sino ang pipiliin niya sa inyong dalawa. Huwag naman sanang masira ang inyong samahan, mas mainam na kahit siya o ikaw ang piliin niya ay pareho kayong masaya para sa isa’t isa.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with