^

Dr. Love

Gustong magtaksil

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love

Sobrang hinagpis na ang dinaranas ko sa aking asawa. Bukod sa pananakit sa akin, mayroon pa siyang ibinabahay na babae.

Hindi siya dating ganyan nang una kaming magsama. Labis kong ipinagtataka ang pagbabago niya. Sa tuwing inuusisa ko siya kapag umuwi ng dis oras, humahantong ito sa argumento at sinasaktan niya ako. Minsan ay isinalya niya ako sa pader at nawalan ako ng malay. Dalawang taon na siyang ganoon pero dahil minahal ko siya kaya nagtitiis ako. Gusto na nga ng mga parents ko na hiwalayan ko na siya. Pero ayaw kong lumaking walang ama ang aming apat na taong anak.

Sa kabila ng lahat, mahal ko pa rin siya. Naiisip ko lang na pasakitan siya upang maramdaman niya ang sakit na idinudulot niya sa akin sa kanyang pambababae.

May isang trike driver na pumuporma sa akin at gusto ko nang patulan hindi dahil gusto ko siya kundi gusto kong pasakitan ang mister ko.

Tama ba ang gagawin ko?

Mona

 

Dear Mona,

Huwag mong tangkaing ituwid ang mali sa isa pang mali. Kung bayolente siyang tao, malamang saktan ka niya o kitlin pa ang iyong buhay. Isa pa, kasalanan sa Diyos ang pagtataksil kahit ano pa ang dahilan sa paggawa mo nito.

Hindi ako pabor sa paghihiwalay ngunit kung nanganganib ang buhay mo sa pamamalagi sa piling niya, mas maganda na magkahiwalay kayo.

Mas mabuting luma-king walang tatay ang anak ninyo kaysa masaksihan niya ang kalupitan ng kanyang ama. Makakaapekto ito sa kaisipan ng isang musmos na dadalhin niya hanggang sa siya ay tumanda.

Ang infidelity o kataksilan na may kasama pang pananakit ay matibay na dahilan sa marital annulment. Marahil iyan ang tanging solusyon sa problema kung ito’y hindi na makukuha pa sa mahinahong usapan.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with