^

Dr. Love

Kasal sa unang asawa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Umaasa ako na mapagpapayuhan mo ako sa dala kong suliranin. Tawagin mo na lang akong Sandra, 26 anyos.

Nagpakasal ako sa una kong kasintahan may walong taon na ang nakalilipas. Paniwalaan mo man o hindi, walang naganap na pagsisiping sa amin at ako ay virgin pa until now.

Matapos ang kasal namin at reception, tumuloy kami sa hotel na pagdarausan ng aming honeymoon. Pagdating namin doon, nagpaalam siyang bibili ng champagne at iinom daw kami bago magtalik. Pero hindi na siya bumalik.

Ini-report ko na ito sa pulis at pinanawagan sa media. Isang taon kaming naghanap pero walang resulta. Pati ama niya ay inatake sa puso at namatay.

Nabalitaan ko na sumama siya sa mga rebelde sa bundok. Isa kasi siyang aktibista.

Pero hindi ko makumpirma ito. Hindi man lang siya nagpaparamdam. After eight years, gusto ko nang umibig uli at magpakasal. Pero hindi ko maseguro kung buhay pa o patay na ang asawa ko.

Ano ang gagawin ko?

Sandra

Dear Sandra,

Sa maliit kong nalalaman, dahil hindi naman ako abogado, sa loob lang ng pitong taong nawawala ang asawa mo at ni hindi nakiki-pagtalastasan, maaari mong hilingin sa korte na ideklara na siyang patay upang maging malaya kang magpakasal uli.

Sa kasong ito, don’t take my word for it pero magtanong ka sa abogadong higit na nakakaalam sa batas.

Kung totoong sumama siyang mamundok sa mga rebelde, posibleng napatay na siya sa labanan.

Dahil kung buhay pa siya, walang rason para hindi siya makipagtalastasan sa iyo.

Dr. Love

SULIRANIN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with