^

Dr. Love

Puro selos ang nasa isip

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo ako na Jelima. Natatakot na po ako sa mister ko. Lagi na lang niya iniisiip na may lalaki ako. Puro selos ang nasa utak niya. Malapit kasi ang mga co-teachers ko sa akin, kahit mga lalaking teachers.

Sanay kami sa biruan. Kapag sinusundo niya ako, ang laging tanong niya ay kung sino ‘yung kasabay kong nag-out.

Paliwanag ko sa kanya, na hindi ko kailan man magagawang lokohin siya dahil isa akong guro.

Lagi niyang kinukumpara ang nangyari sa kababata ko na humiwalay sa asawa dahil sumama sa ka-chat niya sa fb.

Hindi naman ako ganoon.

Masaya na ako sa kanya bilang asawa, pero sa ginagawa niya mahihirapan ako. Naaapektuhan kasi ang propesyon ko bilang guro.

Ayaw ko rin namang lumala pa ang aming sitwasyon. Minsan nang sunduin niya ako nagsusungit siya sa mga kasama ko.

Baka pati ang mga anak namin ay madamay na rin.

Jelima

Dear Jelima,

Ang mahirap sa asawa mo, may pinaghuhugutan siya ng kanyang selos. Unti-unti mong ipadama ang tamis ng iyong pagmamahal.

Ikaw ang mag-adjust at alalayan mo siya para mawala sa kanya ng pagdududa o selos. Palitan ang iyong takot ng pang-unawa.

Ang maganda, nagiging totoo ang asawa mo sa iyo. Iwasan mo ang mga bagay na magbibigay sa kanyang ng dahilan para makapag-isip ng hindi tama tungkol sa’yo. Kasama na rito ang pakikipagbiruan mo sa iyong mga co-teachers.

Ito ay hindi pagsakal sa iyong sarili, kundi tinutulungan mo lang siya na mabuong muli ang seguridad sa inyong relasyon bilang mag-asawa.

Mainam na paglaanan mo siya ng mas maraming oras. Maging malambing ka sa kanya at laging iparinig, lalo na ipadama kung gaano mo siya kamahal.

Lagi mo rin siyang ipagdasal para magkaroon siya karunungan na mas maalagaan ka at ang inyong pagsasama.

DR. LOVE

SELOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with