^

Dr. Love

Nakawala sa asawang malupit

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sana ay magbigay ng lakas ng loob ang kasaysayan ko sa mga tulad ko na minaltrato ng kanilang mister.

May tatlong taon akong nagpaka-martir at tiniis ang kanyang pagiging brutal. Diyos na ang gumawa ng paraan para kami ay magkahiwalay, dahil kung hindi ito nangyari, malamang ay namatay na ako.

Nagising ako sa katotohanan at nagsikap. Sa tulong ng Diyos ay naitaguyod ko ng maayos ang aking nag-iisang anak.

Bukod sa pambubugbog, babaero siya, lasenggo at walang gabi na hindi ako nakatikim ng mabigat niyang kamay.

Iniwan niya kaming mag-ina pero imbes na magdalamhati ako, para akong nabunutan ng tinik.

Sa wakas! Wala nang mananakit sa akin. Natuto akong magnegosyo para mabuhay. Sa tulong ng mga kaibigan kong nasa real estate business, nakatikim akong malalaking komisyon hanggang sa guminhawa ang buhay naming mag-ina.

Hindi kami kasal ng asawa ko at nang minsang dalawin niya ako ay gusto niyang maki-pagbalikan. Tahasan kong sinabi na wala nang pag-asang mangyari ‘yun.

Nagbanta siyang guguluhin ang buhay ko kapag hindi ko siya pinartehan ng kayamanan.

Ano ang dapat kong gawin?

Marie

Dear Marie,

Wala kang pro-blema dahil hindi naman kayo kasal. Hindi ka niya mapipilit maki-pagbalikan.

May katibayan ka ng pambubugbog sa iyo ng iyong dating asawa, kaya naniniwala ako na ikaw ang papanigan ng korte kung magkakademandahan.

Pasalamat siya at hindi mo siya idinemanda noon dahil may kulong ang ganyang krimen.

Ngayong mayaman ka na, kaya mong kumuha ng mahusay na abogado para sa iyong depensa.

Kung may mga pagbabanta siya sa iyong buhay, ipa-blotter mo agad sa barangay o pulis.

Dr. Love

DR LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with