^

Dr. Love

Worry sa big time na suitor

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po eh si Fe, 20 yers old at still single. Um-attend ako ng party. Sinama lang ako ng bff ko, party ng pinsan niya. Kailangan daw naka-make up at naka-gown kami. Kaya kahit hindi ako sanay na magpa-make up at mag-gown, sinubukan ko. Naiinis nga ako sa bff ko dahil kailangan kong mag-adjust. Hindi kasi ako sanay sa tao. Bahay at school lang ako.  

Naku! Ang daming bisita noon, panay naka-gown nga at nakatuksido. Syempre feeling girl ako kaya ginalingan ko na ang pag-acting kahit nahihirapan ako sa suot ko. 

Hayun, isa-isa akong sinayaw ng mga guys doon. Huwag daw akong mag-worry kasi mga klasmeyts, kamag-anak at barkada sila ng may birthday. 

So, ito na... may isang guy na good looking at malinis ang peg. Gusto niya raw ako at gusto niya akong makita nang hindi naka-make-up at hindi naka-gown. A week after ng party, bumisita siya sa amin. Maloko itong bff ko, tinuro ang bahay namin. Na-shock ako dahil ang ganda ng car niya at disente pa rin ang dating. 

Ilang beses na kaming nag-date at gusto niyang sagutin ko na siya. Pero hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang makitungo sa family niya. 

Fe

Dear Fe, 

Hayaan mo munang makilala mo ng lubos ang guy na sinasabi mo. Kasi nalilimitahan ka ng worries mo. Kung iisipin mo na baka ganun, baka walang patutunguhan ‘yang iniisip mo. Malamang na ikaw na mismo ang malalayo sa guy na iyon. 

Mainam na hindi lang ang nanliligaw sa iyo ang bigyan mo ng opportunity. Kundi maging ang sarili mo ay dapat bigyan mo ng kalayaan. Maging confident ka at i-enjoy mo lang ang mga moments na nararanasan mo.  

Huwag mong sisihin ang bff mo. Maganda nga ang ginawa niya na simula noon sa party at hanggang ngayon ay madi-discover mo ang sarili mong strength at weaknesses. 

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with