^

Dr. Love

Chickboy

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

May bago akong boyfriend at tatlong buwan pa lang kami.

Maraming close friends ko ang nagsasabing dapat ko siyang hiwalayan dahil sobrang playboy.

Sabi nila, dalawang babae na ang hiniwalayan niya matapos na mabuntis. Ang isa raw ay nagtangkang magpakamatay pero nakaligtas.

Pero mahal ko siya at nangako siya sa akin na ako ang babaeng pakakasalan niya. Pati mga parents ko ay ayaw sa kanya dahil sa bad reputation niya. Pero naniniwala ako sa sinabi niya na pakakasalan niya ako pagdating ng araw. Ano maipapayo mo sa akin?

Rhoda

Dear Rhoda,

Sa palagay mo ba ikaw lang ang sinabihan niyang pakakasalan?

Malay mo sinasabi niya iyan sa lahat ng babaeng nakarelasyon niya para makuha ang tiwala nila.

‘Di kita kayang pigilan kung itutuloy mo ang relasyon mo sa kanya pero para hindi ka masyadong masaktan, huwag mo isuko sa kanya ang pagkababae mo para iwanan ka man niya ay buong-buo ka pa rin.

Huwag kang magpatangay sa sinasabi ng puso mo dahil ang puso ay mandaraya. Mas mainam na kila-lanin mo muna nang mabuti ang boyfriend mo. Obserbahan mo siya kung paano siya makisalamuha sa kanyang pamilya.

Kung may common friends kayo, magtanong-tanong ka para mas malaman mo ang ugali niya.

Sa ganitong paraan ay magkakaroon ka ng ideya kung dapat mo nga bang paniwalaan ang mga naririnig mo tungkol sa iyong boyfriend o dapat mong pa-kinggan ang pagtutol ng iyong pamilya sa pakikipagrelasyon mo sa kanya.

Dr. Love

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with