^

Dr. Love

In love sa daddy ng bff

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Best friend ko si Wendy simula pa nung kami ay nasa elementary level. Mahigit pa sa magkapatid ang turingan namin. Kahit personal na pinagdaraanan sa pamilya o school ay sinasabi ko sa kanya, ganon din siya sa akin.

Biyudo na ang daddy ni Wendy, 50 years old pero talagang matipuno ang katawan at hindi mo pagkakamalan sa kanyang edad. Sa tuwing nasa bahay nila ako, very thoughtful ang daddy niya sa akin, bagay na nagpalapit sa akin ng husto sa kanya.

Lagi niya akong sinasabihan na mag-ingat palagi. Napagkamalan kong type niya ako. Ito lang ang bagay na hindi ko masabi kay Wendy dahil baka hindi niya magustuhan.

Isang araw, may usapan kaming mamasyal ni Wendy at magkikita kami sa bahay nila. Pagpunta ko sa kanila, ang daddy lang niya ang naroroon. May binili lang daw sandali si Wendy sa grocery.

Magiliw akong kinausap ng daddy niya at hina-wakan pa ang aking kamay. Kinilig ako at ‘di ko napigilang mapayakap sa kanya at mariing hinalikan siya sa pisngi.  Para siyang nagulat sa ginawa ko at bahagya akong tinulak na papalayo.

Sinabi niya na huwag kong bibigyan ng maling interpretasyon ang pagiging magiliw niya sa akin, dahil parang anak lang ang turing niya sa akin. Naputol ang pag-uusap namin nang dumating na si Wendy.

Nakakatiyak po ako na in love ako sa daddy ng bff ko. Ano po ang gagawin ko?

Megan

 

Dear Megan,

Tutal alam mo na nagkamali ka, distansiya muna at hayaan mong humupa ang situwasyon. Kapag ready ka na, mag-sorry ka sa daddy ng kaibigan mo. Natitiyak ko na maiintindihan niya, dahil sadyang bata ka pa naman.

Pero sana ay hindi mo makalimutan ang mahala-gang aral na itinuro ng karanasan mong ito, maging mapagpigil sa sarili dahil hindi lahat ng akala natin ay totoo. Huwag mo nang ulitin na magpakita ng motibo kahit pa gaya ng sinasabi mo na in love ka na sa guy. Dahil baka matiyempo ka sa mapagsamantala, mapapahamak ka pa. Pasalamat ka at matino ang isip ng daddy ng bff mo.

Ang payo ko ay ituon mo muna ang isip mo sa pag-aaral, makakapaghintay naman ang usaping puso. By that time, mas marunong ka nang magdesisyon.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with