^

Dr. Love

‘Malambot’ ako

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Pen. Dala ng kahirapan kaya sumama ako kay tatay na mag-construction, kahit hindi ako tulad ng mga kapatid kong lalaki na matitikas. Malambot ako at pang cooking talaga ang experience ko.

Ang tanging bilin ni tatay, huwag akong pahahalata na malambot ako. Dapat daw astigan ang dating. Kaya kahit mahirap maghalo ng cemento at magbuhat ng hallow blocks, kinakaya ko. Pero ‘yung anak ng may-ari parang crush pa yata ako. Napasubo na ‘ko. Natutuwa raw siya sa akin, ang akala ko nabisto na niya ako. ‘Yun pala nagugustuhan daw niya ang ugali ko. Patay ako! Habang gumagawa kami, tawanan sila tatay. Bakit daw ako pa ang nagustuhan ng girl, hindi pa ang kuya ko.

Paano ko kaya masasabi sa kanya na hindi kami talo.

Pen

Dear Pen

Pwede ka pala sa panlalaking gawain. Ayos ‘yan! Tingnan mo, may nagkagusto pa sa iyo. Challenge sa’yo ‘yan. Pwede mo naman ipagtapat ang tunay mong kalagayan, na hindi kayo talo.

Be very honest para hindi siya umasa. Kung tanggap ka niya, kahit malambot ka, eh ‘di mas maganda. Hindi naman lahat ng paghanga ay pisikal. Maaaring nabaitan siya sa iyo, kaysa sa kapatid mo. Kaya nahuhulog ang loob niya. Pwede pa rin naman kayong maging magkaibigan, later on.

Stay safe lang lagi and be healthy, God bless!

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with