Palibhasa guwapo
(Pilipino Star Ngayon) - June 2, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Hindi sa pagyayabang, guwapo po ako. Kaya sinabi ko ito ay dahil ito ang pinagmulan ng aking problema. Tawagin mo na lang akong Leo.

Teenager pa lang ako, inambisyon ko nang makapag-asawa ng maganda at mayaman. Ginawa kong puhunan ang aking kakisigan hanggang sa college.

Average family lang kami. Pero sa taglay kong sex appeal, talo ko ‘yung mga kaklase kong de kotse dahil maraming babae ang nagkaka-crush sa akin.

Nakilala ko si Rose. Napakaganda at may sariling luxury car. Dahil sa sobrang appeal ko, sa tingin pa lang ay naging kami na. Talagang balak ko na kami ang magkatuluyan.

Hanggang isang araw, nabisto ko na isa lang pala siyang first class prostitute na kung kani-kaninong mayaman kumakabit, at ang sasakyan niya ay sa isang gobernador ng isang lalawigan.

Umamin siya pero sinabing mahal niya ako at ako ang gusto niyang mapangasawa. Kung sabagay, yumaman siya at nakapagpundar ng ari-arian sa pagbebenta ng panandaliang aliw. Pero ayaw kong makapangasawa ng may madilim na kahapon. Sa kabila nito, nararamdaman kong na-develop ang feelings ko sa kanya.

Ano ang gagawin ko?

Leo

Dear Leo,

Kung totoong  na-develop ang pagmamahal mo sa babaeng iyan, kalimutan mo ang nakaraan niya at pakasalan mo siya kung gusto mo. Iyan ay sa kondisyong kapag mag-asawa na kayo ay magbabagong buhay na siya.

Pero pakatiyakin mo ang iyong motibo. Baka gusto mo lang siyang maging asawa dahil mayaman na siya? Mali.

Hindi dapat maging sukatan iyan sa pagpili ng mapapangasawa. Dapat may elemento ng pagmamahal na namamagitan sa magkasintahan.

Maraming mali sa pagsisimula ng inyong relasyon kaya, pagsisihan mo muna, lalo na ang motibong Ibig mong makapag-asawa ng mayaman.

Dr. Love

 

 

 

GUWAPO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with