^

Dr. Love

Oplan balik-alindog

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sabi ko naman sa mister ko na wait lang papayat din ako. Dati naman sexy talaga ako. Bunga ng aking panganganak kaya ako naging chubby.

Lumaki ang bilbil ko. Mag-anak ka ba naman ng limang malulusog din. Hayun pati ako nadamay. Wala naman sa lahi namin ang tabain, sa mister ko, oo. Nahawa na rin ako sa pagkain nila ng marami.

Metikoloso ang mister ko. Gusto niya mag-gym ako para bumalik ang aking sexy figure.

Napapansin ko nga kapag may sexy kaming nasasalubong, tingin siya ng tingin. Nai-insecure tuloy ako.

Minsan nagiging judgemental tuloy ako. Lagi kong naiisip na baka palitan ako ng mister ko. Mabuti na lang sinasabihan niya ako na ituloy ko lang ang ginagawa kong pagpapayat.

Ayoko naman mag-pills dahil may side effect daw ‘yun. Heto para tuloy akong nagdadalaga uli. Araw-araw akong nag-e-exercise. Every Saturday morning nagsu-zumba kami ng mister ko.

Natutuwa naman siya sa akin dahil pursigido nga ako sa goal kong bumalik ang hubog ng katawan ko.

Sa tingin ko konti na lang, magiging sexy na uli ako sa paningin ng mister ko. Basta hindi ako titigil hangga’t hindi ko naa-achieve ang perfect body ko. 

Cherry B.

Dear Cheery B.,

Ngayon palang binabati na kita sa plano mong maging sexy o bumalik ang iyong alindog para sa iyong mister. Tiyak na natutuwa ang asawa mo. Paalala ko uli ha, huwag naman sobra-sobra at huwag magmamadaling pumayat. Tama rin na  hindi ka gumamit ng mga artificial na pampa-sexy. Kailangan sundin mo ang advice ng doktor bago mo subukan ang anumang workout.

Marami na ring mga tips sa internet na praktikal na pwede mo ring gawin. Sabi nga hindi naman para lang ma-attract ang mister mo uli sa iyo, dahil magkakaroon ka rin ng confidence kapag kasama mo siya. Siyempre mainam pa rin ang healthy life style.

DR. LOVE

vuukle comment

ALINDOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with