Secret lover
(Pilipino Star Ngayon) - August 22, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Sa aming school, may dalawang guys na alam kong may gusto sa akin. Kaso pareho silang torpe o walang lakas ng loob na magtapat.

Nalaman ko lang na kursunada nila ako dahil sinabi sa akin ng isang friend na close sa kanila. Kapwa sila guwapo at magaling sa English. Bagama’t thrilled ako na malamang may dala­wang boys na crush ako, may boyfriend na ako.

Ako nga pala si Hilda, isang college student.

Pero kung liligawan nila ako, hindi ko sila pipigilan and I may just consider changing my boyfriend. Lalo akong na-thrill nang may magpadala sa akin ng love letter na may kasamang box of chocolates and roses.

So poetic ang pagkakasulat ng liham pero ang nakalagda lang ay “secret lover”. May hinala ako, kung sino sa dalawang may crush sa akin ang nagpadala. ‘Yung isa ay mahirap lang sa buhay at ‘yung isa ay mayaman na kayang magregalo ng expensive chocolates and flowers.

Ako na ang naglakas loob. Nilapitan ko ang isa sa kanila at sikretong nagpasalamat sa ipinadala niya. Pero nakita ko sa anyo niya ang pagtataka. Nang tanungin ko, hindi raw siya ang nagpadala. Napahiya ako. 

Nilapitan ko ‘yung isa at nang tanungin ko, hindi rin daw siya ang nagpadala ng roses and chocolates. This leaves me in puzzlement. Dalawang beses akong napahiya at nagmukhang presump­tuous sa pag-aakalang crush nila ako. Nalaman ko na boyfriend ko pala ang talagang nagpadala at tinitingnan ang magiging reaksyon ko. Nagalit ako sa kanya dahil sa dinanas kong kahihiyan. Hanggang ngayon hindi ko siya binabati. Dapat ba na ganito ang attitude ko sa aking boyfriend?

Hilda

Dear Hilda,

Nagkataong nagkaroon ka ng maling akala dahil mayroon kang dalawang secret admirer. Pero sa totoo lang, mabuti ang intensyon ng boyfriend mo na kung hindi dahil sa iyong maling akala ay mas malamang na lumukso ang puso mo sa tuwa.

Huwag kang magalit sa boyfriend mo dahil hindi niya gagawin ‘yon kung hindi ka niya mahal. He probably just wanted to pull a surprise for you. Sa isang relasyon kasi, dapat mag-isip ng bagong gimmick para lalong maging exciting.

‘Yung dalawang secret admirers mo, huwag mo munang isipin. Kung torpe sila at kiming manligaw, problema nila ‘yon.

Dr. Love

DR LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with