^

Dr. Love

Silahis na babae?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kung may silahis sa lalaki, ganun din sa aming mga babae. Isa akong player ng basketball. Kilos lalaki at pormang lalaki.

Kapag naglalaro ako, mas gwapo pa ako sa mga lalaking cute pero hindi marunong magbasketball.

Matagal na akong naglalaro ng basketball sa probinsiya namin. Elementary pa lang, pagkauwi ng bahay kahit mainit, doon kami sa ginawang court ng mga tanod sa amin, nagbababad kami sa paglalaro.

Lahat halos ng mga pinsan ko ay lalaki, kaya lumaki akong kasama nilang naglalaro ng basketball.

Hanggang na-discover ako ng isang coach sa isang university para maglaro sa kanilang junior players. Nasa grade twelve na ako ngayon.

Nung nasa grade eleven palang ako,  marami na ang humahanga sa galing kong maglaro. Sa isang taon ko rito sa Maynila, dalawa ang naging close sa puso ko. Isang babaeng player ng volleyball at isang basketball junior player ng boys.

Hindi ko alam ang kondisyon ng puso ko. Kapag kasama ko si Ms. Volleyball, nagugustuhan ko siya. Para akong isang prinsipe na kapiling ang isang magandang prinsesa. Kahit volleyball player siya, girl na girl siya kung kumilos.

Kapag naman nag-aayang kumain itong si Mr. Basketball, parang bumibigay ang loob ko sa kanya dahil sa sobrang thoughtful niya.

Ewan ko, nalilito nga ako. Kung sino ang pwede kong maging karelasyon sa kanila. Pareho silang matimbang sa puso ko. 

Jamella

Dear Jamella,

Salamat sa iyong ibinahagi. Alam mo tagahanga rin ako ng mga players. Inspirasyon sila sa mga tao, lalo na sa mga kabataang tulad mo.

Sa edad mo, talagang makakaramdam ka ng kaguluhan sa iyong kalooban. Sa iyong kasa­rian, ikaw ay babae kaya natural lang sa’yo ang magka-crush at mahulog ang loob sa lalaki.

Kung nahuhulog man ang iyong kalooban mo sa babae, bunga ito ng impluwensiya sa iyo ng mga katropa mong basketball players. Nasa sa’yo naman ang desisyon. Mas mainam pa rin ang natural na ikaw.

Pareho mo silang kaibiganin, kahit hindi muna karelasyon. Wala namang problema kung tala­gang ma-in love ka sa isa sa kanila. Kung sakali man, magkakaibigan pa rin kayo.

Darating din ang panahon na madidiskubre mo kung sino o ano ang nakakalamang sa iyong pagkatao. Good luck sa mga game ninyo.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with