Mahal na ang dating kaaway
Dear Dr. Love (Pilipino Star Ngayon) - May 24, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Madalas ay mapagbiro ang tadhana. Kung sino ang kinasusuklaman mo ngayon ay siya mo palang mamahalin bukas. Ganyan ang personal kong karanasan.

Tawagin mo na lang akong Mena, 20-anyos and still single. Mayroon akong kapitbahay na kinaiinisan ko dahil sa sobrang yabang. Nakatira siya, next door sa tinitirhan kong apartment. Nasa probinsya ang mga magulang ko at ako at ang aking kapatid ay naninirahan sa Sta. Mesa dahil enrolled kami sa UST. Tuwing hapon, kasama niya ang tropa niya sa harap ng kanilang tinitirhan at laging siya ang malakas ang boses na pinagyayabang ang kaguwapuhan niya at mga babaeng sabi niya’y nagkakandarapa sa kanya.

Nanligaw sa akin ang lalaking ito pero pinagsupladahan ko siya at sinabihan kong hambog.  Mapilit siya sa pagdiga tuwing nakikita ko siya sa harap ng kanyang tinitirhan. Lagi ko naman siyang sinosopla.

Isang buwan mahigit ang lumipas at hindi ko na siya nakikita at may nakapaskel na sa pintuan na apartment for rent. Parang nalungkot ako at nami-miss ang mga pagdiga niya sa akin. I rea-lize na may gusto ako sa kanya. Nalaman ko na lumipat na pala silang magkakaanak sa isang paupahan na ‘di kalayuan sa amin. Akala ko pupuntahan ako sa amin para ituloy ang panliligaw niya pero ‘di ko na siya nakita.

Tama ba na mag-effort ako para magkalapit kami?

Mena

Dear Mena,

Mas mabuting tinantanan ka na niya dahil sabi mo, ipinagyayabang niya ang mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Gusto mo bang mapabilang ka sa kuwentong kayabangan niya? Walang kuwenta ang ganyang klase ng lalaki.

Kung marangal ang hangarin niyang manligaw, dapat ginawa niya ‘yun ng pormal at hindi ‘yung digang kanto tulad ng ginawa niya. Mara-ngal kang babae at hindi mo deserve ang ganyan.

Malamang, kung sasagutin mo siya ay paglalaruan ka lang ng lalaking iyan.

Dr. Love

 

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with