^

Dr. Love

Maagang nagka-alzhaimer

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Murita, 51 years old at ang aking asawa ay 61.

Iba na po ang ugali niya dahil sa  maagang gulang ay nagkaroon siya ng alzhaimer’s disease. Pilit ko siyang inuunawa kapag nagiging paulit-ulit na ang mga sinasabi niya. Kung minsan naman, kahit wala siyang dapat ipagselos ay nagseselos siya. Dahil isa siyang retired US Navy, malaki ang pensiyon niya.

Ipinagdarasal ko palagi na mawala ang kanyang sakit na ito, pero sinabi ng doktor na hindi na  nagagamot ang ganoong sakit pero puwedeng mapigil ang paglubha.

Nagtatrabaho pa po ako at ang ikinatatakot ko ay baka mawala siya kagaya nang dinaranas ng ibang matanda sa gulang niya, kapag umaalis ako.  Mag-isa lang siyang naiiwan sa bahay. Ano ang gagawin ko?

Murita

Dear Murita,

Kailangang ikuha mo siya ng private nurse. Kung masyadong mahal ang nurse, kahit isang ordinar-yong katulong na mapagkakatiwalaan.

Dagdagan mo ang iyong pasensya Kung tutuusin, sa laki ng pensiyon ng isang dating US Navy, baka hindi mo na kailangang magtrabaho kundi gugulin mo ang iyong buong panahon sa pag-aalaga sa kanya.

Ganyan ang mag-asawa. Sumumpa nang ikasal na magsasama sa hirap at ginhawa.

Dr. Love

 

vuukle comment

DEAR DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with