^

Dr. Love

Huwag ipilit ang sarili

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Bago ang lahat ay hayaan mong bumati muna ako sa iyo at sa lahat ng mga suki ng Dr. Love.

Tawagin mo na lang akong Rubio, 49 anyos at isa nang biyudo for 3 years. Sa kabila ng edad ko ay matikas pa rin ako at sabi nga, malakas ang appeal.

May nakilala ako. Tawagin mo na lang siyang Melba, 23 anyos at napakaganda.  Naging malapit kami sa isa’t isa. Parang kinikiliti ang puso ko kapag ngumingiti siya sa akin.

After two weeks nang pagkakakilala namin, nag-propose ako sa kanya.  Sabi ko, mahal na mahal ko siya.  Natigilan siya at napaisip. Kapagdaka’y sinabing, hindi niya ako puwedeng mahalin tulad ng isang boyfriend sapagkat parang tatay ang turing niya sa akin.

Pero hindi ako tumitigil nang panliligaw sa kanya at baka magbago ang isip. Nakikita kong parang naiirita na siya at umiiwas sa akin. Ano ang gagawin ko?

Rubio

 

Dear Rubio,

Tantanan mo na siya kung nakikita mong naiirita na siya sa kakukulit mo. Hindi masamang manligaw kahit ano pa ang age gap ninyo. Pero kung pinrangka ka na wala siyang gusto sa iyo, igalang mo ang kanyang sagot.

Mabuti nga’t itinuturing kang ama. Huwag mong pabayaang mawala ang paggalang niya sa iyo dahil sa kakukulit mo.

Ibaling mo sa iba ang panliligaw at hindi ka naman marahil magiging talunan palagi.

Dr. Love

vuukle comment

DRLOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with