^

Dr. Love

Disconnect para makapag-connect

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po ay isang guro, tawagin n’yo na lang akong Mrs. Alicia. Ikinalulungkot ko po na kung ano ang pagsisikap kong tulungan ang aking mga estudyante na magkaroon ng tamang asal ay kabaliktaran naman ang nangyayari sa sarili kong anak.

Hanggang ngayon ay hindi ko maunawaan kung ano ang ipinagseselos niya sa ate at bunsong kapatid niya gayung pantay ang pagmamahal namin ng daddy nila sa kanilang tatlo.

Nahilig po sa computer games ang anak kong ito. Ang hangad namin ng kanilang daddy nang bigyan namin sila ng laptop at magpakabit ng internet ay para makatulong sa kanilang pag-aaral.

Pero tila iba ang naging epekto sa aking mga anak, lalo na sa lalaki na nakakapanakit ng kanyang ate at nakakabatang kapatid na babae dahil sa pakikipag-agawan na gumamit ng gadget.

Kalaunan ay hindi na priority ng mga bata ang kanilang pag-aaral at mas nabibigyan pa nila ng mala­king oras ang pag-oonline kaysa ang makasama kami na kanilang mga magulang.

Napilitan tuloy akong i-disconnect ang linya ng internet para lang magsipagtulog sila at tantanan ang pagdodota.

Mahal ko po ang mga anak ko. Ayaw kong maranasan nila ang dinanas namin na mapagkaitan ng kala­yaang maglibang at maging masaya. Pero sa mara­ming pagkakataon ay hindi na nila ako pinakikinggan.

Naniniwala akong hindi naman masama ang paggamit ng internet, basta hindi babad at maaantala na ang iba pang mahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin.

Pero bakit ganon sa mga nangyayari sa aming mga anak ay kami pang magulang ang sinisisi nila? Pagpayuhan po ninyo kami kung ano ang dapat gawin para maibalik ang interes sa pag-aaral at ang mabuting trato nilang magkakapatid sa isa’t isa, lalo na sa amin na magulang nila.

Maraming salamat po.

Alicia

 

Dear Ms. Alicia,

Ang maipapayo ko ay maglaan kayo ng araw na mai-disconnect ang linya ng internet para magkapag-connect kayo bilang pamilya. Mainam ang teknolohiya pero lahat ng sobra ay nakakasama. Kaya mahalaga na may disiplina. Sikapin ninyo na maipaunawa sa inyong mga anak ang kalakip na responsibilidad ng kalayaang ipinagkakaloob ninyo sa kanila. Huwag din natin kalimutan na bilang magulang ay sikapin na kasama ng pagdidisiplina ay ang pagmamahal.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with