^

Bansa

Senador: Alice Guo 'kunektado' sa mga naarestong kriminal sa Singapore

James Relativo - Philstar.com
Senador: Alice Guo 'kunektado' sa mga naarestong kriminal sa Singapore
Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo in this May 7, 2024 photo
Facebook/Sen. Risa Hontiveros

MANILA, Philippines — Iginiit ni Sen. Risa Hontiveros na may kuneksyon ang kontrobersyal na si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa ilang naarestong personalidad kaugnay ng "pinakamalaking money laundering" case sa Singapore.

Ito ang inilahad ni Hontiveros sa isang Facebook post ngayong Martes ng umaga, habang patuloy na iniimbtestigahan si Guo kaugnay ng kuneksyon sa iligal na na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO), human trafficking, surveillance atbp.

"Mayor Alice Guo has ties with CRIMINALS. Kasama niya sa Baofu, dating kumpanya niya, ay sina Zhang Ruijin at Baoying Lin na ARESTADO sa 'largest money laundering case' sa Singapore," ani Hontiveros kanina.

 

Sina Lin Baoying at Zhang Ruijin, na pawang magkarelasyon, ay bahagi ng iniimbestigahan kaugnay ng S$2.8 billion (US$2 billion) money laundering probe sa Singapore. Una na nilang sinubukang magpiyansa ngunit hindi pinayagan ng korte.

https://www.channelnewsasia.com/singapore/billion-dollar-money-laundering-police-intelligence-probe-2022-3816371

Hinihingian ng Philstar.com ng pahayag si Guo kaugnay ng kaugnayan niya sa dalawa, ngunit hindi pa tumutugon sa ngayon.

Ang Baofu Compound ay sakop ng Bamban, Tarlac. Aminado si Guo na may "land shares" siya rito ngunit ibinenta na raw niya ito sa isang Filipino businessman na nagngangalang Jack Uy bago pa ang tumakbo noong eleksyong 2022.

Matatandaang ni-raid noong Marso ang  Zuan Yuan Technology Inc. na nasa loob ng Baofu Compound matapos ireklamo ng human trafficking at ilang krimen gaya ng "love scams." Iniimbestigahan din ang pasilidad para sa surveillance at pangha-hack diumano ng government websites.

Una nang naging kontrobersyal si Guo matapos gisahin nina Hontiveros at Sen. Sherwin Gatchalian ng mga nabanggit. Hindi rin niya masagot ang ilang katananungan gaya ng lugar ng kapanganakan, kawalan ng school records, late birth registration, atbp. Nakwekwestyon din kung siya'y Pilipina o isang Chinese citizen.

Sa ilalim ng Section 39 (a) of the Local Government Code of the Philippines, kinakailangang maging Filipino citizen ang sinumang kumakandidato sa local elective positions gaya ng mayor.

Mahigit dalawang linggo na nang masilip ni Gatchalian na nakapangalan kay Guo ang metro ng kuryente ng Zuan Yuan Technology Inc.

'Hindi ako espiya, walang iligal na gawain'

"WALA po akong kinalaman sa ilegal na operasyon ng POGO sa Baofu Compound na sakop ng aming munisipiyo," muling iginiit ni Guo, ito habang idinidiing isa siyang Filipina citizen.

"At HINDI rin po ako espiya ng alinmang bansa kagaya ng ibinibintang, o kaya ay iniisip, ng ilang politiko na misteryo sa aking pagkakakilanlan."

"At upang tiyakin na kanila at sa buong sambayanan na ako po, si Alice L. Guo, na nahalal na alkalde ng bayan ng Bamban, lalawigan ng Tarlac ay isang tunay na Pilipino sa puso, sa isip at sa gawa."

 

 

Itinanggi rin niyang protektor siya ng iligal POGO operations, ito habang idinidiing wala siyang natatanggal na anumang report tungkol sa gawaing kriminal sa loob ng POGO hub na Zun Yuan Technology, Inc. 

Aniya, lisensyado rin ito ng PAGCOR. Meron din daw opisina ang naturang government-owned and controlled corporation (GOCC) sa loob mismo ng Baofu Compound upang subaybayan, batayan at iregula ang takbo ng naturang operator.

Dagdag pa ni Guo, bahagi aniya ng kanyang tungkulin sa mga taga-Bamban na magkaloonb ng mga serbisyo gaya ng mga lehitimong pangkabuhayan kung kaya't pinahintulutan niya ang pagtatayo ng negosyo ng Zun Yuaan.

Sinasabing mahigit 200 pamilya aniya mula sa kanilang lugar ng nagkaroon ng trabaho dahil sa naturang POGO hub, na siyang naagbibigay ng serbisyong pasugalan sa mga dayuhang bansa.

Guo: Iniwan ng Pinay na ina, love child

Inamin din ni Alice na wala siyang maisagot sa maraming kataungan tungkol sa kanyang katauhan dahil sa ayaw niyang magsinungaling.

"Alang-alang sa aking mga kababayan na nagtitiwala at nagmamahal sa akin ay buong tapang ko pong sasabihin na ako po'y isang LOVE CHILD ng mahal kong ama [na Chinese] sa aming kasambahay," dagdag pa ng mayor.

"Na ako po ay iniwan ng aking biological mother bata pa ako noon. Ako'y pinalaki at itinatago sa loob ng isang farm. Pinalaking matindi ang pag-iwas sa mga bahay na magbibigay sana sa akin ng pagkakakilanlan sa labas ng aming hog raising farm."

Aniya, ito ang dahilan kung bakit halos wala raw siyang matandaang karanasang nagmula sa normal na kamusmusan. Home tutoring lang din aniya ang napanghawakan niyang edukasyon imbis na diploma kahit anumang baitang. 

Dagdag pa niyaa, nalaman na lang daw niya ang pangalan ng kanyang ina nang maaairehistro ang kanyang kapangakan noong siya'y 17-anyos. "Traumatic po sa akin ang mga tanong sa Senate hearing tungkol sa aking pagkatao, kasi 'yan po ang mga tanong na ayaw ko na pong mabuksan."

Biyernes lang nang irekomenda ng Department of the Internal and Local Government (DILG) na paaatawan ng preventive suspension si Guo upang hindi aniya maimpluwensyahan ang imbestigasyon sa kanya.

Iniutos na rin ni Interior Secretary Benhur Abalos sa National Police Commission (Napolcom) na matanggalan ng police power sa Bamban, Tarlac si Guo.

vuukle comment

BAMBAN

MONEY LAUNDERING

POGO

RISA HONTIVEROS

SINGAPORE

TARLAC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with