^

Bansa

Marcos: Pagkatao ng Bamban Mayor, imbestigahan!

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Marcos: Pagkatao ng Bamban Mayor, imbestigahan!
Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo in this May 7, 2024
Facebook / Sen. Risa Hontiveros

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagkatao ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sa ambush interview sa Cagayan de Oro City, sinabi ng Pangulo na matagal nang iniimbestigahan si Guo.

Kaya anya nahuli ito ay dahil ni-raid ang Bamban at nakita ang mga dokumento na kinukwestyon ngayon at kung talagang totoo ang mga ito at paano siya nakatakbo ng mayor.

Sinabi pa ng Pangulo na kakilala niya ang lahat ng mga politiko sa Tarlac at maging sila ay hindi kilala ang Alkalde at kung saan siya galing.

“Kaya kailangan talagang imbestigahan. So, kasabay ng sa Bureau of Immigration, pati siguro may magku-kwestyon ng taga citizenship. ‘Yun lahat i-imbestigahan natin ‘yan kasama ang imbestigasyon, hearing na ginagawa ng Senado,” pahayag pa ni Pangulong Marcos.

Ayon pa kay PBBM, nagtataka sila kung saan nanggaling si Guo kaya hindi nila isinasantabi ang posiblidad na peligroso sa seguridad ang ganitong pangyayari.

Kaya naman tiniyak ni Pang. Marcos na magbabantay na mabuti ang pamahalaan para hindi na maulit na may nakakapasok sa bansa na mga kaduda-dudang tao

Si Guo ay pinaghihinalaan na espiya ng China sa PIlipinas.

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with