^

Bansa

Dokumento ng ex-PDEA agent 'pira-pirasong papel' lamang — Lacson

Philstar.com

MANILA, Philippines – Ang umano’y nag-leak na dokumento na iprinisinta ng isang dating agent ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay isa lamang walang kuwentang pira-pirasong papel na nagresulta sa pag-aaksaya ng oras sa Senado.

Tinawag ng mga dati at kasalukuyang mambabatas at PDEA officials na palso ang umano’y nag-leak na dokumento mula sa ahensiya matapos ang serye ng mga pagdinig sa Senado hinggil dito. 

Sa isang post sa X, pinagtawanan ni dating Sen. Panfilo Lacson ang “pira-pirasong papel” na iprinisinta ni ex-PDEA agent Jonathan Morales upang akusahan ang Presidente ng ilegal na paggamit ng droga.

Sinabi rin ni dating Sen. Antonio Trillanes na ang Senate hearings na pinamunuan ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ay bahagi ng “communications plan” para patalsikin si Presidente Ferdinand Marcos Jr. 

“‘Yung hearing na ginagawa ni Bato Dela Rosa sa Senado ay parte ng communications plan in connection with the ouster plot laban kay President Marcos,” ani Trillanes. 

Ang ex-PDEA agent na pinatunayan ang umano’y pekeng dokumento ay pinaniniwalaang nasira ang kredibilidad matapos mabunyag ang kanyang criminal at administrative cases sa hearing ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs noong Lunes, Mayo 13.

Ibinunyag ni dating PDEA director general Arturo Cacdac na umamin si Morales sa pagtatanim ng ebidensiya sa isang operasyon laban sa umano’y Filipino-Chinese drug suspects. 

“Mr. Morales said that the contents of his affidavit were false because the evidence were fabricated and the evidence planted,” wika ni Cacdac, tinukoy ang memorandum ng PDEA Legal and Prosecution Service na may petsang December 26, 2012. 

“Kaya ako po ay namangha. Ang tagal ko po sa serbisyo, ngayon lang ako nakaranas nang ganun. Samantala mga ahente po natin na hindi nag-aappear sa korte, at nadi-dismiss ang kaso, kinakasuhan na po namin agad,” pagbibigay-diin ng dating PDEA chief.

Kasunod ng mga pahayag ni Cacdac ay tinanong si Morales at sinabi niya na, “Totoo po ‘yung sinasabi ni General Cacdac.”

Binigyang-diin din ni PDEA Legal and Prosecution Service acting director Atty. Francis del Valle na “ang pangalang Bongbong Marcos alyas Bonget ay hindi lumalabas sa national drug information system o interagency drug information database kaya kailanman ay hindi siya nakasama sa drug war list.”

Sinabi rin ni Senate President Juan Miguel Zubiri na kailanman ay walang naipakitang ebidensiya si Morales na nagpapatunay sa serye ng kanyang akusasyon sa mga pagdinig sa Senado.

“While certain claims were made, documentary evidence is yet to be presented. There were no pictures, no corroborating testimonies. In other words, this was solely based on a testimony of one person based on what appears to be hearsay evidence,” sabi ni Zubiri.

“Kailangan ng ebidensya. Hindi pwedeng sabi-sabi lang at pinapaalala natin ang halaga na mapagkakatiwalaang resources. Walang tsismis, walang pulitika, katotohanan lang."

vuukle comment

PDEA

PING LACSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with