^

Bansa

Solo bettor napalanunan P53.8-M lotto jackpot

James Relativo - Philstar.com
Solo bettor napalanunan P53.8-M lotto jackpot
A man places a bet at a lotto outlet in Quezon City on Sunday, Oct. 2, 2022.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Tinamaan ng nag-iisang lotto bettor ang P53.86 milyong jackpot prize ng Megalotto 6/45 nitong Miyerkules.

Kahapon lang kasi nang ibola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa ang mga sumusunod na winning combination: 11-30-21-04-22-13.

Wala pa naman detalyeng inilalabas ang naturang government-owned and controlled corporation kung saan binili ang winning ticket.

Sa kabila nito, hindi makukuha ng naturang mananaya ang kabuuan ng P53,861,631.60 papremyo dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Kinakailangan kasing magbayad ng 20% tax ang mga nananalo ng papremyong lalampas sa P10,000 alinsunod sa TRAIN Law.

Merong isang taon ang mga nananalo para kubrahin ang kanilang napalanunan sa PCSO Main Office sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City, ayon sa Republic Act 1169 na tinatawag ring "An Act Providing for Charity Sweepstakes Horse Races and Lotteries."

vuukle comment

LOTTO

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with