‘Attack order’ ni Marcos, fake news – Palasyo
MANILA, Philippines — Nilinaw ng Presidential Communications Office (PCO) na “fake” ang kumakalat na video na inaatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Armed Forces of the Philippines (AFP) atakihin ang isang partikular na bansa.
Sinabi ng PCO na walang ganoong direktiba ang Pangulo at ito ay isang pekeng audio lamang na kunyari ay boses ng Pangulo gamit ang generative Artificial Intelligence (AI).
Iginiit pa ng PCO na patuloy ang kanilang hakbang para labanan ang fake news, misinformation, disinformation, at malinformation sa pamamagitan ng kanilang Media and Information Literacy (MIL) Campaign.
Nakikipag-ugnayan na rin anya ang PCO sa Department of Information and Communications Technology (DICT), National Security Council (NSC), National Cybersecurity Inter-Agency Committee (NCIAC) at iba pang pribadong sektor para malabanan ang pagkalat at malisyosong paggamit ng pekeng video at audio at iba pang generative AI content.
Nanawagan din sila sa publiko na maging aktibo sa pagbubunyag ay paglaban sa mga maling impormasyon at maging responsable at mapanuri sa mga nilalaman ng ibabahagi sa mga social media.
“We encourage everyone to work with us in fostering a more aware, resilient, and engaged citizenry in our digital commons,” pahayag pa ng PCO.
- Latest