^

Bansa

DOJ: Extradition request mula US para kay Quiboloy ‘di pa natatanggap

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DOJ: Extradition request mula US para kay Quiboloy �di pa natatanggap
Facebook photo shows evangelist Apollo Quiboloy waving from his Cessna Citation Sovereign jet, which landed at his compound in Davao City on March 19, 2018.
STAR / File

MANILA, Philippines — Wala pa umanong natatanggap na anumang extradition request ang pamahalaan mula sa Estados Unidos para sa ekstradisyon ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader, Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, hanggang sa ngayon ay naghihintay pa rin sila ng kahilingan mula sa pamahalaan ng Estados Unidos.

“We are awaiting the request of the US government on this matter and it has to pass through a lot of channels also within the US government,” aniya.

Dagdag pa ng kalihim, kasalukuyan pa ring ­nirerebyu ng DOJ ang mga kasong rape at cyberlibel na kinakaharap ni Quiboloy sa bansa at ito ang prayoridad nila sa ngayon.

Hindi pa rin naman aniya naglalabas ang Bureau of Immigration (BI) ng anumang Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban sa pastor.

“Wala pa. Kasi wala pa sa amin ang preliminary report. There was an initial letter but it will take more than a letter for us to issue an order,” ani Remulla.

Matatandaang si Quiboloy ay kasama sa Most Wanted List ng Federal Bureau of Investigation (FBI), dahil sa kinakaharap nitong mga kaso ng sex at labor trafficking sa Estados Unidos. c

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with