^

Bansa

Tolentino nagbitiw na sa Senate blue ribbon committee, CA

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Tolentino nagbitiw na sa Senate blue ribbon committee, CA
File photo shows Sen. Francis Tolentino.
The STAR / Geremy Pintolo, file

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Senador Francis Tolentino na nagbitiw na siya bilang chairman ng Senate blue ribbon committee.

Bukod dito, inanunsiyo rin ni Tolentino na nagbitiw na siya bilang miyembro ng makapangyarihang Commission on Appointment.

“In fulfilment of a sac­red commitment to serve as Blue Ribbon Committee Chairman and Member of the Commission on Appointments for a concise term of one and half years, I find it both duty and an honor to uphold the essence of a prior agreement. This decision is rooted in a deep-seated belief that public office demands fidelity to pledges made,” ayon kay Tolentino sa isang pulong balitaan.

Nilinaw naman ng Senador na ang kanyang pagbibitiw ay kukumpirmahin sa sesyon sa plenaryo.

Inihayag ni Tolentino ang pagbibitiw ay halos isang linggo matapos umugong ang usap-usapan na ipinagbigay alam na niya sa liderato ng Senado na bibitawan na niya ang makapangyarihang komite.

Si Tolentino ay na­ging chairman ng Blue Ribbon Committee sa loob ng isang taon at limang buwan kung saan kabilang sa mga inimbestigahan nito ay ang mga anomalya sa pag-iimport ng asukal, kontrobersyal sa pagbili ng laptop ng Department of Education, at ang anomalya sa pagbili ng mga bakuna ng Department of Health (DOH).

vuukle comment

FRANCIS TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with